Why I built Spottr
Ang hirap mag-first move sa gym. Hahaha.
Lahat ng gym members mukhang intimidating hanggat hindi kayo nag-uusap. 5 years na akong naggi-gym, at isa sa mga napansin ko: hindi lang beginners ang nahihiya. Pati yung mga gustong tumulong, nahihiya rin.
Dati ako yung paikot-ikot sa gym para kunwari alam ko ginagawa ko, naghihintay lang na may mauna magsalita. Ngayon baliktad na. Gusto ko nang tumulong, pero nahihiya pa rin ako hahaha.
Ending? Parehong may gustong magsalita. Parehong nag-ooverthink. Walang gustong mag-first move.
Yung mga matagal na sa fitness, supportive talaga sila sa mga nagsisimula pa lang. Hindi gatekeeper. Malalaki lang katawan pero duwag mag-first move. Ang problema lang, hindi alam ng beginner kung sino pwede lapitan, at hindi rin alam nung gustong tumulong kung sino yung okay lang lapitan.
So gumawa ako ng app. Spottr.
Makikita mo kung sino yung nasa gym ngayon na open mahingian ng tulong, guidance, o kahit makipagkwentuhan lang. Sa loob lang mismo ng gym. Para mas madali makahanap ng makakasabay yung naghahanap, at madali rin makita nung gustong tumulong kung sino yung comfortable.
Madalas akong tinatanong ng tropa at officemates kung paano ako nagsimula. Pareho lagi sagot ko: "Maswerte lang." May isang taong tumulong sakin. May isang taong nag-guide. May isang taong nagparamdam na okay lang maging beginner. Literally isang tao lang yung dahilan kung bakit umabot ako ng 5 years. At hindi lahat binibigyan ng ganung tao.
Kaya naisip ko, baka pwedeng yung app ko na lang yung tulay. Hahaha. Kung mas marami tayong komportable mag-start, baka mas gumanda rin yung gym culture natin dito. Sana.
Beta pa siya ngayon, at solid 1-man team pa lang ako, kaya marami pa akong gustong i-improve. Patawad sa kupas hahaha.
Kung gusto mong subukan o sumakay sa journey, nandito lang ako. Salamat sa pagbabasa.